Driven by Guilt
My apology for protecting the identity of the person involved.
I rented a condo-type in QC after i decided to leave the house we rented with Mark and Allan. I lived alone, pero madalas bumibisita pa rin sa akin yong iba kong friends..Gimik pa rin dito, fling doon…
Because of being alone sa inuupahan ko, I found companionship with Gelo. Actually, kaibigan ko si Gelo..guapo… habulin ng kahit sino…
May asawa’t anak siya pero happy-go-lucky pa rin. Hilig makipag barkada kasi he was too young when he got married at tipong madalas silang mag away ng asawa niya kaya nag hahanap siya ng way para mabawasan ang problema niya
Naging madalas ang pasyal sa bahay ni Gelo… Hanggang sa napansin namin na may namamagitan na pala sa aming dalawa. Sa akin niya sinasabi lahat ng problema niya sa pamilya…. Kaya noong nagsimula ang aming relation, mas marami pang oras ang ginigugol niya sa akin kasya sa kanyang pamilya. Naging intimate ang aming pagsasama… Naging masaya pero may guilt akong nararamdaman. I don’t want to be a home-wreaker. Mahirap….
Na konsyensiya ako lalo na nang unti-unti kong napapansin ang paghakot ng kanyang mga damit sa bahay. Na shock lalo ako ng madalas niyang kasama ang kanyang 2 anak pag pumupunta sa bahay tuwing week-end. This was an eye-opener sa akin. Hindi dapat na magsama kami tapos hihiwalayan niya ang kanyang asawa, which he told me before na naghahanap lang siya ng pagkakataon para mangyari yon.
Gusto niya na magsama na kami… Hindi ko alam kasi not even in his dream na papatol daw siya sa kapwa niya lalaki….. ngayon lang daw nangyari ang lahat…..
Gusto kong umiwas, pero sadyang desidido na siya to live with me.
Sa tindi ng pangyayari, I decided to take the offer for me to work abroad.. Para na rin maiwasan ang anumang posibleng mangyari and at the same time para na rin sa future ko.….
Nagalit sa akin si Gelo nang sabihin ko na aalis muna ako for a while kasi may training ako for six months sa Canada. Di niya alam ang totoo, na I will be away for longer time and decide not to come back….Doon ko nakita ang kanyang pagkabigla… I saw how he control his tears to fall down.. Pero umaasa siya na babalik ako…
Bago ako umalis, nagpa-alam ako kina Allan… medyo naging casual ang aming pag uusap, pero deep inside, naiisip ko papano kung aalis ako? I will miss him…
Si Jhun (isa kong talent na pinasok sa Club), binigyan ako ng souvenir para daw di ko siya makalimutan. He thanked me kasi wala na rin siya sa Club at nakapag-asawa na ng Haponesa.
Naiyak ako pero naawa sa iba kung kaibigan dahil di ko alam kung kalian kami magkikitang muli.
Isa si Mark sa nakita ko how he feel sad na malamang aalis na ako. Isa kasi siya sa mga nakilala ko na binigyan ko ng pag aruga na hindi niya naranasan sa kanyang family (broken family siya). Ma mimiss daw niya lahat ng pagbibigay ko ng advises ko, yong pagtatanggol ko sa kanya pag inaapi siya.. yong pag-aawat ko sa kanilang mag-siyota pag nag-aaway sila… yong pag luluto ko ng sinigang na paborito niya.. yong pagtulog niya sa kuwarto na parang bata na kayakap ako… yong masasabihan niya ng sama ng loob at mga problema…at yong taong bilib sa kakayahan niya bilang isang performer.
I was driven by my guilt.... hindi kaya ng konsensya ko na makitang may madadamay sa maling relasyon... Mas pipiliin ko, kahit mahirap, ang lumayo kaysa sa dumating ang oras na pareho lang kaming labis na masasaktan..
1 comment:
Hey, u have a great story here. I feel sad about the sacrifice u made but that's ur choice and I'm happy that u stand for your resolve. I hope you have no regrets whatsoever.
Post a Comment