Sunday, July 15, 2007

Di Bale Na Lang......



Sabi mo walang masama kung walang masasaktan…
Kaya sa halip na iwasan mo ako, lumalapit ka..

At sa mga kilos mo, pilitin ko mang huwag bigyang kahulugan
Ay nagbabadya na tila nais mo rin na maging bahagi ng buhay ko

Pigilin ko mang huwag sabihin sa iyo ang tunay kong damdamin,
Ngunit hindi ko maitago ang kahinaang taglay ng puso ko.

Dahil doon, naging mahina ako’t mapagparaya sa iyong hamon
Oo nga naman.. bakit nga hindi ko subukang mahalin ka..
Gayong wala namang masama kung maging akin ka..

Ngunit biglang naisip ko na baka nga may masaktan
Kung hindi ngayon, baka sa mga darating na araw…
Kung hindi sila.... baka ako.

Dahil sa angkin mong katangian
Baka hindi ko makaya kapag ika'y biglang mawala sa akin.

Mas sigurado akong maging maayos ang lahat
Kung ika’y mananatiling laman ng puso ko
Hindi bilang kahati, kung hindi bilang bahagi lang.

No comments: