Wednesday, July 4, 2007

Is Jon Carlo (JC) de Vera really gay?




from Abante by Rey Pumaloy...


Matagal nang alam ni Aifah ang tungkol MATAGAL sa tsismis na ‘bading’ si JC de Vera. Si Aifah ang Sex Bomb Girl na nakarelasyon noon ni JC.
Sabi ni Aifah, ang kaibigan niyang bading ang nagparating sa kanya ng tsismis na bading daw si JC. At siyempre, pinaimbestigahan niya ang tsismis na `yon tungkol kay JC.
May mga tsismis pa nga noon na kesyo may karelasyon daw na bisexual si JC. Na kesyo sobrang guwapo raw ng bisexual na `yon.
Pero siyempre negatibo ang resulta ng imbestigasyon ni Aifah. Hindi nga raw bading si JC.
Anyway sinabi ni Aifah na mahigit, isang taon din na inabot ang relasyon nila ni JC, at ni minsan ay hindi niya napansin na may pagkabading ito. Ang paliwanag ni Aifah, talagang malamya lang daw magsalita si JC dahil edukado ito at conservative pa ang family nito.
May breeding daw si JC. At hindi nga ito katulad ng ibang artista na barubal kumilos at magsalita.
Naniniwala si Aifah na may nang-iintriga lang kay JC. Pero `yun na nga, kayang patunayan ni Aifah na hindi bading ang kanyang ex-boyfriend.
Nakakatuwa si Aifa dahil kahit matagal na silang hiwalay ni JC, nagawa pa rin niya itong ipagtanggol sa mga malisyosong tsismis.
Pero teka lang, hindi ba at super-deny si Aifah noon na boyfriend niya si JC? Ang sabi nga noon, natakot daw kasi si Aifah kay Annabelle Rama, ang manager ni JC.

No comments: