Friday, June 8, 2007

Paint My Love



Marami akong nakilala sa Manila. Halos ilang pahina din ang mga pangalan na naisulat ko sa aking directory. Minsan nga hindi ko na maalala pag binabalikan ko ang mga pangalan nila isa-isa. Andyan yong manood ako ng sine sa Alimall, mag-jogging sa umaga, etc. kasi katabi lang ng Alimall ang room na inuupahan ko. Alam ko kung saang sulok sa Alimall ginagawa. Kilala ko na rin at nabarkada halos lahat ng Bakal Boys sa Cubao, pero talagang kaibigan lang. Di ko sila pinapatos. Basta masaya kaming nag kukuwentuhan about their excapades.. mga katarantaduhan, atbp. Kaya naman kampante ako na gumala sa Alimall anytime kasi kilala ko sila.

That time, medyo payat pa ako, so I decided to work out sa Gym. Dito ko nakilala si Edwin, isang pintor. He lives at the back of Alimall. Nagkaroon kami ng relasyon at nag sama. He’s ten years older than me. He treated me nicely. Although alam sa kanila (his father is in military), pinakilala ako as his special someone. Naging close kami ng family niya. Tanggap ako ng mommy niya, but I doubt his father. Kasi parang sampal sa kanya to have a gay son. Pero in fairness, wala namang pinakitang masama sa akin ang father niya. Pag maligaya daw si Edwin, maligaya na rin siya.

Tumagal kami ng 2 taon and we live together…. Palipat-lipat…..Sa Basa Compound sa Libis before… (now Eastwood Libis)…. Sa New York Street sa Cubao…..Pero sadya atang promiscuous tayo, there was a time na I fell out of love sa kanya. Hinayaan niya ko to mingle with my friends sa mga outings, gimikan, etc. By the way, homebody lang siya kasi hilig niya talagang magpinta. Doon ako nagkaroon ng ibang contact with others. Naging unfaithful ako sa kanya. The worse, I decided to live with my hometown friend, Boyet, in Mandaluyong. Boyet is my classmate in college. Guwapo siya, bi at lakas ng appeal, pero wala kaming attraction sa isa’t isa. Doon ako unti-unting na fall-out of love kay Edwin. We ended our relationship casually. He let me free kung saan daw ako masaya….

No comments: