Laro... (Pantasya Episode 3)
"Laro," about four basketball players (Nicco Taverna, Dexter Castro, Brent Lee and Adam Torralba) who are taking a shower in the locker room after an intense game, and a shy guy (Kyle Zenoria) who takes a peek at them and later joins in the fun.
Narration..
Basketball ang nagpakilala sa totoong ako…
Bata pa ako, mahilig na ako sa basketball…
Kabisado ko ang paraan ng paglalaro… mga regulasyon na dapat sundin..
Ang basketball ay laro ng team, pero sa maniwala kayo sa hindi, kahit minsan, hindi ako naging miyembro ng team o maglaro saan mang tournament.
Hindi ko alam kung bakit…
Siguro, depende rin yon kung paano mo titingnan ang laro..
Para sa akin, ang basketball ay parang damdamin ng tao..parang laro ng buhay…
Sa court, bawat kilos at galaw mo pinipintasan.
Pagnaka-score ka, okey ka.
Pag hindi mo nai-shoot ang bola, badshot ka…
Suwerte mo pag nakapuntos ka ng free throw.. malas mo pag na-foul ka.
Ang pinakamahirap ay yong kapag ang bola ay nara ere…yong ilang segundong nakalutang siya sa ere… saan ba siya babagsak? Sa loob ba o sa labas ng court?
Hindi ko alam, pero ganoon ang nararamdaman ko sa sarili ko…
Para akong bolang nakalutang sa ere… may mga tanong na dapat masagot….
Saan ba ako babagsak?? Sa loob ba o sa labas ng court? Miyembro ba ako ng team? o solo along maglalaro?
Pag wala akong pasok sa eskwela, lagi akong nanonood ng basketball sa subdivision namin.
Pinagmamasdan ko ang mga players….Pinagaaralan ko sila kung paano magkantiyawan…biruan…pati pagkain.
Noon Friday, Inter-barangay tournament, nag desisyon ako…
May gusto akong patunayan sa sarili ko….
Kaya sumali ako sa kanila..
Yon bang para akong miyembro ng team… di na importante kung sa loob o labas ng court..
Ang importante, nakasama ko sila…
(Shower scene from "Laro")
Photos taken from puri_titiwang yahoogroup
Marami sila, pero parang iisa pa rin sila…. Iisang ginagawa nila…sabay-sabay o halos sabay-sabay!
Sinabi ko sa sarili ko..okey lang pala kung maglaro ng basketball ng solo…parang one-man team..
Hindi ko alam pero sa buhay ng tao, darating at darating ang panahon na malalaman mo ang katotohanan tungkol sa sarili mo…. Nasa sa iyo na yon kung tatanggapin mo o hindi…
Ito ang oras ng pagbagsak ng bola mula sa ere…
Malalaman mo kung sino ka talaga…
Mahirap aminin sa sarili pero ganoon pala iyon…Ginawa mo na, pero wala kang choice kundi aminin..
Kung ganoon ka talaga, walang saysay ang pag-dedeny….
Siguro naman, hinid ikakalat ng player na iyon ang nangyari sa amin.. dahil kung tutuusin, siya ang naging instrumento para ilabas ang totoong pagkatao ko…
Sigawan mo man ako ng foul tungkol sa pagsisiwalat kong ito…. Pero yon ang totoo…
Ang pagkakaiba lang namin siguro, miyembro siya ng team… ako hindi….
for more, click here...
No comments:
Post a Comment