Moreno...Kayong Dalawa Na, Bubuksan Pa Ba sa Iba?
Mula po sa Grupong Sinehan, isang produksyong Sinehan Digitales, obra ni Crisaldo Pablo (writer-producer- director) na advocate ng queer cinema sa Pilipinas, ang isa na namang indie digital movie na tumatalakay sa relasyon ng bisexual sa bisexual, "Kayong dalawa na, bubuksan pa ba sa iba?".
Mga eksenang kinunan pa sa malayong probinsya sa Mindanao kasama ang mga katutubo sa isang remote village malapit sa General Santos City, nais buksan ng movie ang diskusyon sa nakasanayan ng Macho Pinoy na magkaroon ng multiple lovers or partners. Bahagi ito at legal sa ilang mga tribo, sa relasyong bakla man kung saan parehong biological na lalaki ang magpartner, lalo na pag Pinoy din, mas matindi daw ang tendency na magkaroon din ng multiple partner kahit committed na.
Gaano kalawak nga ba ang pang-unawa ng isang nagmamahal? Handa ka bang i-share ang lover mo? Sa movie na ito ay walang hinahatulan ang direktor, nagpapakita lang siya ng isang common na karanasan ng isang bakla. Ang katunayan, laging sa totoong buhay humuhugot ng kuwento si Direk Crisaldo, dahil sa totoong buhay walang simula at wakas, walang tama at mali, walang totoong kumbensyon.
Ang Moreno ay nagtatampok kina Ynez Veneracion, Ray-an Dulay, Mark Dionisio, ipinakikilala si JV Roxas.
Buod
Sa movie na Moreno, ang karakter na si Cris ay nagpunta sa isang remote village sa Mindanao para magdokumento ng kalagayan ng mga kababaihang members ng isang tribe doon. ang director ng ngo na si Mawen, kaibigan ni Cris, ay tumutulong to educate and empower the women of that indigenous tribe para they can cope with poverty. kasi sa community nila kung saan ang mga lalaki ay allowed legally to have several wives, para sa second, third and fourth wife ay medyo aping-api ang kanilang kalagayan... Mawen wants Cris, through his documentary, to be able to show how the community still needs help, specially the women, the young barely schooled women...
Ang kaso, si Cris may emotional and psychological baggage from a failed queer relationship in manila. Habang hinaharap niya ang sufferings ng mga babae, nasasalamin din niya kung paanong ang promiscuity ng partner niya at ang paniniwala nito na dapat legal ang marami kang partners maliban pa sa committed relationship mo (sa mga queers po) ay nagdala din ng pahirap sa kaniya...
Dahil nasasalami ni Cris ang paghihirap na ito ay nakialam sya sa ilang case studies niya and it led to a tragic ending...
1 comment:
Maraming Salamat po sa Link... Btw, The LIbraru Foundation (TLF) Every sunday nandun po ako sa place na yun.
Anyway, you have a good blog going 0n here! Keep it up!
KHALEL
Hush and Listen
www.khalelian.blogspot.com
Post a Comment