Monday, June 18, 2007

A family that prays together.....



I am so fortunate to have a very well-knit family. Kahit hindi kami mayaman, I value the norms that my parents instill to us and the value of respect to other people.

My father, being the most influential man in the family who worked in a government agency, attended to our needs at all times. Kahit kapos kami sa pera, he see to it na lahat ng pangangailangan namin ay kanyang binibigay. There were times na walang-wala talaga kami. At night, I always checked my father’s wallet and pocket lalo na bago matulog, then I couldn’t sleep if its empty, kasi wala kaming pambaon kinabukasan sa school…but then, maaga siyang nagigising para gumawa ng paraan para sa baon namin.

Sa pagdating niya galing sa trabaho, I always waited at the gate of our house. Pag may narinig na akong tunog ng motorsiklo, sasalubungin ko siya para umangkas sabay tanong kung may pasalubong siya. Masaya ako everytime na may nakasabit na plastik sa likod ng kanyang motorcycle. At night, kung nasa labas pa kami ng bahay at nakikipaglaro, siya ang susundo sa amin at bago kami matulog, siya pa ang naglalagay ng mosquito net sa apat na sulok ng kuwarto namin.

He taught us to be respectful to all. Kahit medyo may pagka-nagger ang mother namin kung minsan, ayaw na ayaw niya na sumasagot kami. All through the years, wala akong nakitang matinding away nilang mag-asawa. Nag-sasagutan sila, pero my father mellowed down palagi. Siya ang nagpaparaya sa kanila. Kaya alam ko na mahal niya kaming lahat, lalong-lalo na ang mother namin.

Isang huwarang ama, mabait, tahimik at mapagmahal. Hindi ko siya makitang magalit o makipag-away man lang. For him, everything must be done in harmony.

When I was 3 years old, nagkaroon ng engkwentro ang mga military at NPA mismo sa tapat ng bahay naming. Although bata pa ako, I’d seen how my parents protect us from stray bullets hitting our house. Sumisigaw ang mother ko habang nakadapa kami with my father covering us all. It was a nightmare, pero my father was so brave enough at sa awa ng Diyos, walang nasaktan sa amin.

Every Sunday, kailangan sama-sama kami sa church.

Never siyang nagkaroon ng affairs with other. For him, sapat na kami para maging masaya siya palagi.

Kahit nakaranas kami ng hirap, hindi ko nakitaan ng paghihina ng loob. Pag weekend, mas hilig niya na nasa bahay at inaasikaso ang aming lupain at pag-aalaga ng hayop. Madalas akong magpaalam sa kanya para mamasyal, pero minsan lang niya akong pinapayagan. Kahit naiinggit ako sa mga kaibigan ko, hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa kanya. Kahit malapit at paborito niya ang kaisa-isa naming kapatid na babae, andoon pa rin ako para unawain siya.. Mahal ko kasi silang lahat lalong lalo na si Papa Kahit nahihirapan ako at minsan di maiwasang mainggit, natitiis ko dahil Papa ko siya..

Sa bawat medalyang natatanggap ko taon –taon mula sa elementarya hanggang high school, nakita ko ang tuwa niya pag sinasabit sa dingding namin. Actually paramihan kami ng sister ko sa medalyang naisasabit. Pag nakikita daw niya ang mga iyon na nakasabit sa dingding, nawawala ang pagod niya.

When I reached college, dahil na rin sa gusto kong tumulong sa family ko, I planned to work during my free hours sa school library, bagay na tinutulan ng father ko. “Habang kaya ko, hindi ko kayo papayagang mag trabaho habang nag-aaral”. Ang paliwanag niya sa akin.

He supported us until the four of us got our own college degrees without seeing any disappointment to him at all. Dahil sa sipag at pagmamahal niya sa amin, lumaki kaming may respeto sa lahat at may mabuting asal.

Pero despite sa lahat ng nangyari at sa haba ng panahon naming magkakasama, bihira kong sabihin sa kanya na mahal ko siya.. Sabi ng mother ko, lahat daw kaming magkakapatid ay salitang “papa” ang una naming sinabi. Lumaki kaming magkakapatid na mas matimbang ang pagpapakita ng pagmamahal sa pamamagitan ng gawa, hindi sa salita. At madalas nahihirapan kaming sumangguni sa aming butihing ama kung may problema kaming magkakapatid, dahil lahat kami ay ayaw naming bigyan siya ng problema at mag alala sa amin. At dahil sa kabaitan niya, gusto naming suklian lahat iyon ng pawang magagandang ala-ala at mga bagay na ikaliligaya niya.

Hanggang sa paglipas ng panahon, kaming lahat ay may kanya-kanya ng sariling buhay at dahil sa kanyang pagiging mabuting ama sa amin, lumisan siya ng tuluyan na masaya at isang ganap na ulirang ama para sa amin, sa kanyang pamilya. Alam ko, masaya siyang humarap sa dakilang lumikha dahil magampanan niya ang misyon niya dito sa mundo…

Subalit, kahit hindi ko nasabi sa kanya ng madalas na mahal na mahal ko siya, alam kong nararamdaman niya iyon sa bawat minuto na kasama ko siya at sa bawat saglit na wala akong ibang iniisip kung hindi ang makita at makapiling lagi siya…

Sayang nga lang na sa huling sandali ng kanyang buhay ay wala ako sa tabi niya… Isang pagsisisi na hindi ko kanya nabanggit ang salitang “Mahal Kita” bago siya pumanaw.

Pero sa puso ko hanggang ngayon, alam niya na mahal na mahal ko siya….

Saan ka man naroroon, Happy Father’s Day Papa and I Love You…..

No comments: