Friday, November 23, 2007

Oo nga... Kaibigan Ka Lang Pala



hmmm...... kaibigan nga

nung una wala lang,…
parati lang kayong magkasama...
wala, kasi kaibigan lang naman
walang tinatago kahit kanino,
kaya lakad dito,
punta dun,
pasama kahit saan.

ang sama sama mo pa nga sa kanya,
kasi parang wala kang pakialam ..

naiinis ka pa nga kung bakit ang kulit kulit nya ..

sa isang araw nakakalimang tawag sya sayo...

wala lang kung anu ano lang pinaguusapan
pagnagkikita naman ang lambing lambing nya sayo
ikaw pa naman yung taong hindi sanay sa ganon
kaya parati mo syang binabara

tapos isang araw,
mapapansin mo na lang na hinahanaphanap mo sya
bigla ka na lang mapapangiti pag naaalala mo
ang mga ginagawa nyo noon
pagmagkaharap kayo napapansin mo na yung
mga bagay na dati di mo nakikita
ang tangos pala ng ilong nya....
ang haba pala ng pilikmata nya ....
ang ganda pala nyang ngumiti....
ang pula ng mga labi niya....
pagmagkasama kayo komportableng komportable ka

pero kung dati wala kang pakialam, ngayon
lahat sayo may dahilan..

Lahat ng ginagawa niya para sa iyo, may kahulugan...

buong gabi tinatanong mo sarili mo

BAKIT KAYA NYA GINAGAWA YUN?

tapos sasabihin mo sa sarili mo, magkaibigan lang kayo!

dadaan ang mga araw, magpapatuloy ang ganyan
hindi mo maintindihan bakit ganun ang nararamdaman mo
tapos sasabihin mo sa sarili mo, magkaibigan lang kayo!

lahat ng nakapaligid sayo nagtatanong, nangaasar, nagungulit
tinatanong kung ano ba talaga kayo.

paguwi mo sa bahay paghiga sa kama,
hindi ka makatulog
tatanungin mo din ang sarili mo ano ba talaga kami

tapos biglang mapapansin mo na lang na bigla syang nagbago
hindi na parang nung dati
iniiwasan ka na nya
hindi ka na kinakausap
ni di ka nga matingnan
ano kaya ang nangyari?
may ginawa ka ba na kinagalit nya?
yan ang mga tanong na madalas na naiiwan
sayo..
mga tanong na walang kasagutan …
kung meron man
isang tao lang ang makakasagot
hindi ang best friend mo….
hindi ang kapatid mo.....
ang kaibigan mo lang.
pero kaya mo bang itanong?

tapos sasabihin mo kaibigan lang naman,
gusto ko lang magtanong...
tapos bigla ka na lang matatakot…..
mahihiya. …
maiilang ....


biglang isang araw nagkaroon ka ng lakas ng
loob na lapitan sya
paglapit mo,
di ka makapagsalita,
di ka makatingin sa mata nya
pero pinilit mo pa din… kahit mahirap.

palayo ka na, hindi mo na alam kung saan ka papunta
naglalakad ka na parang tumatakbo, pero walang direksyon
di mo inaasahang tumulo ang mga luha sa iyong mga mata,

bigla kang natawa

sabi ko nga kaibigan LANG…. Kaibigan LANG…

1 comment:

dazedblu* said...

Ain't in a drama mode here ;)