Sunday, November 4, 2007

Joke Time



Asawa" 1st year masaya.
After 5 years tanggalin ang A "sawa na".
After 10 years tanggalin ang S"awa na lang".
Sa susunod na taon tanggalin mong A "wa na!"

Home version of who wants to be a millionaire:
Husband: dear puede ka ba ngayon?
Wife: di puede pagod ako!
Husband: is that final?
Wife: FINAL!!!!
Husband: ok, can i phone a friend?!?

Pag Americano umutot: EXCUSE ME!
Pag British naman: PARDON ME!
Pag Espanol: EXCUSAR POR QUE UTUTAR!
Pag Pinoy: Di ako yun! Mamatay na ang umutot

Warning: Children playing outside the car can
cause accident... and...
Adults playing inside the car can cause CH ILDREN!!!!

Loveliness through the years

1950s -Iniirog kita.
1960s -Iniibig kita.
1970s -Minamahal kita.
1980s -I love you.
1990s -Tara sa kwarto.
2000s -Pwede na rito.

MRS: sa palagay mo, mahal, ilang taon na ako?
MR : kung titignan kita sa buhok 18 ka lang;
kung nakatalikod 16 lang, kung sa kutis 22 lang.
Bale total ay 56, sweetheart.

DUCK DICTIONARY

maliit na duck - "panduck"
tirahan ng maliit na duck - "Pandacan"
mataas na duck - "boonduck"
nagulat na duck - "nasinduck"
photogenic na duck - "kodak"
malaking duck sa Ilocos- "duck-il"
madaldal na duck- "dakdak"
pantakip sa bibig ng madaldal na duck- "duck tape"
manggagamot na duck- "ducktor"
musikero na duck- "conducktor"

PERFECT HEAVEN: Having American salary,
British home, German car, Chinese food, and Pinoy wife!

PERFECT HELL: Having Korean car, British wife,
German food, American home and Pinoy salary!

Mare 1: Naku mare, ang gaganda ng mga anak mo!
Mare 2: Talaga, mare! Hay naku kung asawa ko
lang ang inasahan ko hindi sana mangyayari yan!

NANAY: Bobo ka talaga! 1 to 10 lang di mo kayang bilangin?
ANAK: Mas bobo si tatay nay, kasi narinig ko minsan sabi, "tama na
inday, hanggang tatlo! lang k aya ko."

MISTER: ano ang pagkain natin?
MISIS: nasa mesa, bahala ka na pumili!
MISTER: isang pirasong tuyo? ano pagpipilian ko?
MISIS: pumili ka kung kakain ka o hindi!

sweethearts watchin' da sky...
GUY: ano ang horoscope mo?
GIRL: anong huruskup?
GUY: yung bang kapalaran mo, katulad ko, CANCER.
GIRL: ah, sa akin ALMURANAS!

DONYA: bilang bagong katulong, tandaan mo na ang
almusal dito ay alasais empuntu!
MAID: walang problema donya. kung tulog pa ako
sa oras na yun, mauna na kayong mag almusal!


SAYINGS TO LIVE BY:

1. birds of the same feathers, are the same birds
2. do not do unto others what you ! can't d o
3. an apple a day is not an apple at night
4. when the cat is away the mouse is alone
5. if others can do it, don't help
6. tell me who your friends are and i'll tell you mine
7. early to bed and early to rise makes you sleepy i n the afternoon
8. ang ilog na tahimik ay malalim, ang ilog na maingay may naglalaba
Posted by Joliber P. Mapiles at 8:58 AM 0 comments
Labels: Jokes
Monday, August 27, 2007
Bakit Nga ba nahihiya ang biik, ang kambing, at ang sisiw?
T: Bakit nahihiya ang biik?
S: Kasi, ang nanay niya, baboy.
T: Bakit nahihiya ang kambing?
S: Kasi, ang nanay niya, may balbas.
T: Bakit nahihiya ang sisiw?
S: Kasi, ang nanay niya, may itlog. Ang tatay niya, wala

T: Bakit hindi nahihiya ang langgam?
S: Kasi, ang mga magulang niya, sweet.
T: Bakit hindi nahihiya ang pagong?
S: Kasi, bata pa lang siya, may sarili nang bahay!
T: Bakit hindi nahihiya ang buwaya?
S: Kasi, makapal ang mukha niya.

T: Bakit hindi natatakot ang bangus?
S: Kasi, matinik siya.T: Bakit hindi natatakot ang tuko?
S: Kasi, ang kapit niya, malakas.T: Bakit hindi natatakot ang garapata?
S: Kasi, para siyang bangaw na nakatuntong sa kalabaw.

T: Bakit natatakot ang pusa?
S: Kasi, baka siya matinik.
T: Bakit natatakot ang lamok?
S: Kasi, baka maling tipo ng dugo ang maisalin sa kanya.
T: Bakit natatakot ang ahas?
S: Kasi, baka ang asawa niya eh ahasin.
T: Bakit natatakot ang kuwago?
S: Kasi, ang biyenan niya, masamang tumingin.T: Bakit natatakot ang sisiw?S: Kasi, baka magmana siya sa magulang niya...Chicken Joy na!

Ano ang saging na mataba? Saba
Ano ang sa ging na maliit? Senorita
Ano ang saging na sinusubo pati balat?
It begins with T.Esep-esep.
Sirit na? E'di Turon...

Young lady to the new parish priest:
LADY: Father, ang cute mo, bakit pumayag kang magpari?
PRIEST: Ayaw kasi pumayag ni mama na mag-MADRE ako!

SPANISH TEACHER: class, use PUERA in sentence.
PUPIL: mi maestros son bonhas (all the teachers are beautiful)
SPANISH TEACHER: oh, that's very flattering, but where's PUERA?
PUPIL: PUERA ka!

Gustong malaman ng magkaibigan kung may basketbolan sa langit.
Nagkasundo sila na kung sino ang unang mamatay ay babalik upang sabihinkung may basketbol sa langit.
Naunang namatay si Dado.
Isang gabi, may narinig na boses si Rodel na parang kay Dado.
"Ikaw ba 'yan, Dado?" usisa ni Rodel.
"Oo naman!" tugon ni Dado."Parang hindi totoo!" bulalas ni Rodel."
O, ano, meron bang basketbol sa langit?"
Sagot ni Dado, "May maganda at masama akong balita sa 'yo.Ang maganda, may basketbol doon.
Ang masama... kasali ka sa makakalaban namin bukas!"

Lito: Pare, ano ba ang kaibahan ng H2O sa CO2?
Pedro: Ano ka ba naman! Di mo ba alam 'yun?! Ang H2O ay water!At ang CO2... cold water.

Anak: Tatay, hindi ako makatulog, kasi, maraming lamok!
Tatay: Papatayin natin ang ilaw para hindi tayo makita. (Pagpatay sa ilaw, dumating ang mga alitaptap... )
Anak: Hala ka, Tatay, nagdala sila ng flashlight!

Dok: May taning na ang buhay mo.
Juan: Wala na bang pag-asa? Ano po ba ang dapat kong gawin?
Dok: Mag-asawa ka na lang ng pangit at bungangera.
Juan: Bakit, gagaling po ba ako ru'n?
Dok: Hindi, pero mas gugustuhin mo pang mamatay kesa mabuhay!

1 comment:

Anonymous said...

HaHaHa. Bentang-benta to ha.