Sana Nga Huwag Na....
August 14, 2007 ....4:42 AM Ginising ako ng tunog galing sa aking CP “Minamasdan kita ng hindi mo alam..Pinapangarap na ikaw ay akin....”
“1 New Message”
“Musta na, ano na blta, wla na gimik noh, lge nlang trbho. Labas nman tau minsan kung ok lang sau.”
Galing kay Mhel ang unexpected text..
February 2007.. Birthday ng friend ko…Niyaya niya ako at isama ko daw ang Habibi ko..
“Pasensya na friend, hindi puwede ko siyang isama… alam mo naman ang sitwasyon namin..”.
Actually kahit anong pilit nila na ilantad ko ang habibi ko sa public, talagang hindi puwede dahil ayaw niyang mabuko ang pagkatao niya lalo na sa circle of friends namin. Malihim kasi siya… ayaw niya na pag usapan at pag piyestahan ang relasyon namin kaya hanggang ngayon kahit bestfriend ko, hindi nila alam na may relasyon kami …Kilala kasi niya…Sa akin, okey lang ang ganitong arrangement.. saka hindi naman siya maramot sa akin..love niya ko… love ko rin siya.. (parang Mcdo he.he.he.he.)..inisip ko rin na mabuti na yon kaysa may magkagusto pa at malaman na habibi ko siya, mahirap na..makamandag pa naman ngayon ang mga rattlesnakes sa disyerto. And mind you, pag nalaman nila, naku, malakinggulo at maraming magkakandarapa sa kanya.. Habulin ata siya!
“Basta punta ka! Me ipapakilala ako sa sa’yo.”
Sounds good! Sarap maging single for a night!
Maaga akong pumunta sa kanila para tulungan siya sa pagluluto. Andoon na yong iba naming friends.
“Friend, mamaya pa labas ng ipapakilala ko sa’yo.. panggabi kasi duty niya”
Ok lang sa akin, at least , may time pa akong maki jamming sa barkada namin..
Dabarkads sa Riyadh
Past midnight na ng dumating si Art, ang Habibi ng friend ko at may kasama niya.
“O ayan friend.. si Mhel.. katrabaho ni Art, siya yong sinasabi ko sa iyo.”
“Hi Mhel.. glad to meet you!”
Bata pa si Mhel. Siguro nasa early twenties. Moreno, slim ang katawan.. guwapo kung ngumiti at medyo tahimik..
Kumain muna sila at pagkatapos, sumali na rin sa amin..
Habang tumatagal at dahil na rin sa “agua de pataranta”, madaling tinablan si Mhel. Siguro dahil sa pagod..at ang sa una ay tahimik, naging komportable na sa usapan at lumabas ang tunay na pagiging kalog..
Inabot kami ng 5 ng umaga na panay kuwentuhan, kumustahan at may koting harutan.. Yong iba natulog na…
Naging kampante na rin ako sa kanya hanggang sa matulog kaming magkatabi..
Pag gising namin, tuksuhan ang inabot ko sa mga barkada ko….
Nagpalitan kami ng cp no. at simula noon madalas na kaming magtawagan at nagkita..gumigimik pag wala siyang pasok…
Alam ko I find him nice as a friend, pero hindi puwedeng lumagpas doon..besides, ayokong maging unfair sa Habibi ko at marami pa akong dahilan para iwasan siya…
“Hi! Ginising mo ko ha! Kmusta kn rin? oo nga, ala na tau gimik..How’s ur work? Hayaan mo f im free, ta2wagan kita. Ingat!
“Message Sent”
1 comment:
Ooh so layalty of yew, jokes okay nga yun! btw san siya sa pics.. i don' see any cute there? meron?
Post a Comment