Tuesday, August 28, 2007

Let Go....

"Your courage is matched by your compassion. Hence, you urge to rescue someone or to make a sacrifice you would never make for yourself.."

Remembering "A.R.A.III".



Ang lungkot pag gising mo sa umaga, sya yong maiisip mo at hinahanap… hinahanap dahil wala sya sa tabi mo… wala siya dahil hindi na siya sa iyo….

Dati, isang ngiti ang bubungad sa iyong pagdilat… ngiti na siyang magbibigay sigla sa buo mong maghapon.. “Hon, gising na! baka ma-late ka sa work mo..”

Dahil sa ngiti nya’t haplos sa mukha mo, nararamdaman mo hindi ka nag-iisa…
may kasama kang sasalubong sa umaga…masama man ang panahon…bumagyo man…ma-traffic ka man sa EDSA, balewala sa iyo lahat…

kahit bumiyahe ka man ng malayo, tiyak may papawi sa pagod at hirap mo pag-uwi mo ng bahay…

Andoon siya naghihintay… “Hon, kumain ka na? mukhang loaded ang araw mo… halika nakahain na pagkain, kain na tayo”…

Ganoon ang buhay mo.. nararamdaman mo may nagmamahal sa iyo… may nag-aalaga sa iyo..kaya umikot man ng mabilis ang mundo at biglang tumigil, hindi ka matutumba dahil magkahawak kayo ng mahigpit…alam mo, hindi ka niya bibitawan… hindi ka niya pababayaan…….at ganon ka rin sa kanya…

“You and me against the world”.. yon ang palagi mong sinasabi sa kanya.. hatulan man kayo ng tao sa relasyon niyo… kutyain man kayo ng mga mapanuring mga mata sa iyong paligid… pandirihan man kayo ng mga moralista, lahat kaya niyong tanggapin sa ngalan ng pag-ibig.

Sabi ng iba, baliw ang pag-iibigan niyo… maling-mali sa mata ng tao.. pero binigyan niyo ng laya ang inyong mga damdamin.. nagmahal kayo.. Tama lang iyon....

Pero sa kabila ng lahat, may takot pa ring nakatago sa iyong damdamin..

Takot na baka tama nga sila, na hindi tatagal ang inyong relasyon..na walang nabubuhay sa bawal na pagmamahalan...

Dati, ang akala mo pag nasa iyo na yong taong mahal mo, masaya ka na…

Ngunit hindi lang pala iyon ang kailangan mo…kailangan din palang mabuhay sa tama… magpakawala ng bagay na mahalaga sa iyo kahit masasaktan ka..




“I don’t want to lose you, but you have to go…”

pinipilit mong kalasin ang higpit ng yakap niya… pinunasan mo ang luhang dumaloy sa kanyang mga mata… sa huling pagkakataon, niyakap mo siya ng mahigpit dahil ito na ang huli mong makita siya ng malapitan….

Sinamantala mo ang pagkakataong dumikit ang inyong mga labi.. kahit tumutulong sabay ang mga luha niyo..nagmamakaawa siya …. walang patid ang iyong paghaplos sa mukha niya…

Pilit mo na siyang nilalayo sa iyo… nilalabanan niya ang lakas ng iyong pagpupumiglas sa mahigpit na hawak niya sa iyo…

Ngunit talagang desidido ka na sa iyong pasiya... Kailangan na siyang lumayo sa iyo at ganoon ka rin….. tapusin na ang lahat sa inyong dalawa dahil hindi na tama..

Kung gaano kabagal ang hakbang niya papalayo sa iyo habang nagmamakaawa, ay mabilis naman ang takbo mo papalayo sa kanya habang dumadaloy ang luha sa mata mo dahil baka hindi mo makayanan at biglang magbago ka pa ng desisyon…

Unti-unting humihina ang naririnig mong pagmamakaawa niya dahil sa patuloy mong paglayo…hanggang sa mawala na ito ng tuluyan sa iyong pandinig…tanging ang mga daghoy mo na lang ang iyong naririnig…

Pinunasan mo ang luha sa iyong mukha..

Tama lang dahil kung hindi mo kayang mawala siya, habang buhay mong dadalhin sa iyong konsensya ang pagwasak mo sa isang pamilya… sa kanya, sa asawa niya at sa mga anak niya….

Salungat pala….

Yong pansamantalang sakit na iyong mararamdaman ay ang panghabang buhay na saya … ang makita ang mahal mo na tinatahak ang tamang landas…ang gamutin ang sariwang sugat ng iba dulot ng iyong maling pagmamahalan….

Kaya sa pagmulat mo ng iyong mga mata sa iyong pag-gising sa umaga, tanging magagandang alaala na lang niya ang bubungad sa iyo para muling maging masigla ang araw mo……

1 comment:

chase / chubz said...

ang ganda ng story..so touching
naiyak ako dun