Monday, August 13, 2007

Linggo ng Wika Special: "Aral ng Kasaysayan"

Isang pag gunita ng Linggo ng Wika ang paggamit ng ating sariling wika sa pagkakataong ito dito sa aking blog at bilang ipakita sa lahat na kahit sa ibang bansa, ang puso't isip ko ay nanatiling isang Pilipino :

Ang artikulong ito ay kabilang sa mga kasali sa Pinoy Blog Writing Contest. Maari po lamang na pumasyal sa blog na ito - http://www.pinoyblogosphere.com/wika2007

PinoyBlogoSphere.com






Ang mga hibla ng pangunahing ugat ng puno ang siyang nagpapatibay ng tayog nito. Kung gaano niya sasalubungin ang unos na dumating, ay nakasalalay sa kapit ng mga ugat nito pababa sa lupa. Ngunit kapag nalihis ang direksyon nito pataas, hihina ang lakas nito at malamang ito’y mabuwal.

Sa isang progresibong bansa, maliit man o malaki, ang pagkakaisa ay ang pangunahing batayan ng tatag at tibay nito.

Maraming Diyalekto

Kung nakilala ang Pilipinas sa dami ng isla, isa rin tayo sa mga bansang may maraming diyalekto.

Kung isa kang estranghero at babagtasin mo mula Batanes hanggang Jolo, malamang malilito ka sa iba’t-ibang salita ng mga Pilipinong katutubo.

Marahil ay dahil na rin sa mga stratehiyong lugar na naghihiwalay sa bawat isla kaya nagkaroon ng maraming diyalekto ang ating mga ninuno.

Hindi rin natin maiwasang isipin na ang pagkakaroon ng pagkakaiba at sanga-sangang aspeto ng pakikipagtalastasan ang marahil isa sa mga dahilan kung bakit tumagal ng halos 400 taong pananakop sa atin ng mga dayuhan noong unang panahon. Ang hindi pagkakaroon ng isang pangunahing wika ang naging dahilan para naging madali ang pananakop ng mga dayuhan at tuluyang isinuko ng ating mga ninuno ang karapatan nating angkinin ang sariling atin. Paano nga namang makipag tulungan at magkaisa ang ating mga ninuno kung sila mismo ay walang paraan para magkaintindihan.

Tulad ng bansang India na may marami ring lenguahe, naging madali ang pagsakop ng mga Britanya na tumagal ng maraming taon. Ang bansang Tsina na dumaan din sa maraming pag-aalsa ng mga Tsino laban sa pamamalakad ng kanilang bansa.

Ang mga magulong bansa gaya ng Afghanistan, East Timor at Laos na hanggang ngayon ay balakid pa rin ang pagkakaroon ng maraming diyalekto at wika.

Ang lugmok sa kahirapang Congo, Kenya, Nigeria at Pakistan na may maraming wika ngunit mabagal ang progreso ng kanilang ekonomiya.

Sa ating kasaysayan, umiral ang pagiging rehiyonalismo ng ating lahi. May kanya-kanya silang pinuno at pamamaraan ng pamumuhay alinsunod sa kung ano ang nararapat sa kanilang nasasakupan. Walang konkretong pamamalakad at walang pinuno sa buong kapulungan ng Pilipinas kaya’t madaling nasakop ng mga banyaga.

Gustuhin man ng ating mga ninuno na umaklas sa mga dayuhan sa unang bugso ng mga mananakop sa ating bayan, ngunit walang nagawang paraan an gating mga ninuno para pagkakaisa dahil sa depektong komunikasyon ng bawat pinuno ng mga tribu at balangay bunsod ng pagkakaibang diyalekto. Ito marahil ang pangunahing dahilan kung bakit bigo silang makamit ang kasarinlan at tuluyang naging alipin ng mga dayuhan.

Sa panahon ng pananakop ng mga Kastila, naging madali sa kanila na tuluyang baguhin ang sistema ng ating lipunan. Unti-unting nabago ang buhay sosyolohikal ng ating mga ninuno sa pagyakap nila ng panibagong kultura na nagpabago sa kanilang kamalayan at nagpatuloy hanggang sa mga sumunod na salinlahi.

Isang Sariling Wika

Hanggang sa pangunahan ni Pangulong Quezon ang pagkakaroon ng isang wika na magbubuklod sa sambayanang Pilipino. Isang wika na magbibigay daan sa pagkakaunawaan ng bawat Pilipino saan mang sulok ng bansa. At dahil dito, umusbong ang pagmamahal ng mga Pilipino sa bawat isa. Nabawasan ang rehiyonalismo’t pagkamakasarili. Unti-unting nadarama ang tibay ng pagkakaisa ng bawat Pilipino. Nagkaroon ng unawaan sa isa’t-isa na siyang naging bantayog ng pagiging isang malayang bansa.


Maraming Wika

Ngunit sa larangan ng pag-unlad at lalo na sa kalakalang pandaigdigan, hindi sapat ang sariling wika lamang para mabilis ang asenso ng isang bansa. Ang maraming kaalaman sa wikang banyaga ay may adbentahe sa pakikikisalamuha sa mga taga ibang bansa.

Mahirap man gawin, pero napatunayan na rin, kabilang si Gat. Jose Rizal, na kahit may sarili tayong wika, ang kaalaman ng ibang wika ay pasaporte sa pakikipagrelasyon sa ibang bansa.

Tunay na matatag ang isang bansa kung sa maraming diyalekto ay may nabubukod tanging wika. Ito ang pangunahing ugat na siyang nagpapatibay sa bantayog ng kanilang sariling lipunan. At ang kaalaman ng iba’t ibang lenguahe ay nagbibigay panibagong hamon sa isang matatag at progresibong bansa.


PinoyBlogoSphere.com | Pinoy Bloggers Society (PBS)
presents
Wika2007 Blog Writing Contest
Theme: “Maraming Wika, Matatag na Bansa”

Sponsored by:
Ang Tinig ng Bagong Salinlahi
Sumali na sa DigitalFilipino.com Club
Sheero Media Solutions - Web Design and Development
Yehey.com - Pinoy to p're
The Manila Bulletin Online
WikiPilipinas: The free ‘n hip Philippine Encyclopedia

6 comments:

Anonymous said...

hi! wow.. you have some good facts here. nice one! however, you somewhat forgot the required footer for this entry to be official. :D just a reminder...

good luck!

Anonymous said...

hi.. one last adjustment for your entry. on the required footer, you have to include the links of the sponsor. you can find the code from the text file placed somewhere within the wika2007 page.

and please repost it on our group blog, Pinoyblogosphere.com.

(d namin alam where to contact you... hope your entry would be fixed asap. again, GOOD LUCK!)

Admin said...

Hello Kuya! Nice...

Ako rin meron...

Well Kuya... Sana makauwi ka na dito para magka adventure na tayo!

Anonymous said...

It's interesting how you used the word "regionalism." Are you referring to the way the people then led their lives based on their needs?

If what the Philippines upholds as a national language is the real Filipino (used as a collective term), regionalism (in this context, the behavior and mentality of a person from a certain place who thinks his/her place, language, etc is better than the others) might have lessened. But as it turns out, Filipino, as we know it, is, let's say, standardized Tagalog. So what happens to the other languages used in the Philippines? They take a backseat.

Kaya may mga tao sa Metro Manila who think they are better than people from the Visayas, or Mindanao, or Northern Luzon, or any other place. If people can only recognize, if not realize, the potential and beauty of the different Filipino languages, maybe the "matatag na bansa" phrase would hold a bit of truth to it. :)

Anonymous said...

nice, ang gnda... tnx poh my nakuha akong ideya...

Anonymous said...

gnda poh... tnx poh dhil my nkuha na akong ideya...