In memory of my loving Grandma ….
I know it’s hard to write about the people that we love, especially the ones that are no longer with us. My grandmother has passed away last Thursday and I’m sure she is looking down from heaven right now, saying ‘don’t worry my grandson, I’m fine with the Lord.’
I grew up with the blessings of my grandmother’s love.
I was not sure if I should share to the world on the topic of my beloved Grandmother. She was great and what I a today, is because I learned so much from her.
Sabi nila, takbuhan ng mga bata ang kanilang lola kung may tampo sila sa kanyang mga magulang… sa mga lola din sila naghahanap ng kakampi kung napapagalitan ang mga ito.
Madalas mangyari ang maagang pag-aasawa o ang pagtatanan ng isang anak ang siyang nagiging dahilan ng samaan ng loob sa pamilya, lalong-lalo na ang relasyon ng ina sa kanyang anak. Minsan humahantong sa matinding away at sumpang nabibitawan. Ilang beses na ba nating narinig ang kuwento at nakikita ang mga pangyayari na lumalambot ang puso ng isang ina kapag nasilayan na niya ang kanyang apo. Sa bandang huli, mas higit pa ang nararamdamang saya ng pagiging lola ng isang ina sa kanilang tahanan.
She told me that I was one of her treasures. I am her first boy grand-child, but she had a way of making us all feel like we were loved the most.
Naranasan ko ang pag-aalaga niya. Tingin ko, parang napapantay na siya ang pagmamahal ng aking ina..o mas sobra pa...
That was security to me.
Sa tuwing mapapagalitan ako ng aking mga magulang, sa kanya ako tumatakbo para humingi ng saklolo… para maghanap ng kakampi… magsumbong at hingin na pagalitan ang aking ina dahil sa pagpalo ng walis tingting sa akin…
Sa kanya ako humihingi ng pera pag kulang ang baon ko..
Pag hindi ko gusto ang pagkain sa bahay, doon ako sa kanya kakain at nagpapalipas ng oras na ikinakagalit naman lagi ng ina ko …
Sa madaling salita, spoiled-brat ako sa kanya.
Kahit minsan may pagka-salbahe ako noong bata pa ako,pero hindi ko naranasan na pinagbuhatan niya ako ng kamay o saktan ako..
I usually sat on her lap and I liked the way she lay a hand on my hair that made me feel sleep comfortably..
Lumaki akong mapalad sa pagmamahal ng aking ina at ng aking lola…kaya naman mas gugustuhin ko pang gugulin ang oras ko sa kanila kaysa sa iba..
Lahat ng gawaing bahay nila ay kasali ako lagi.. sa pagluluto… sa pagtatahi ng butas ng damit... sa paglilinis ng bahay... at kung anu-ano pa. (Siguro nga ganito ako, dahil sa impluwensya nila at wala akong pinagsisisihan, bagkus labis ang pasasalamat ko sa kanila)
“Kailangan mong matuto ng mga gawaing bahay dahil kailangan mo iyan kung sakaling nag-iisa ka”… ito ang salitang laging sinasabi ng Lola ko habang minamasdan ko siyang nag luluto…
Totoo, sa nakaraan ko at sa kasalukuyan, utang ko sa kanila ang mabuhay ng mag-isa at walang inaasahang iba pagdating sa gawaing bahay. Naipagmamalaki ko ang aking natutunan sa pagluluto, paglilinis atbp sa mga kasamahan ko ditto sa ibang bansa.. na kung hindi dahil sa ina’t lola ko, malamang umaasa ako sa iba.
Dahil sa layo ng trabaho ko simula ng magtapos ako ng kolehiyo at hanggang ngayong na ako’y nasa ibang bansa, madalang ko nang nakikita ang lola ko sa probinsya.
Minsan umuwi ako sa amin, pinasyalan ko siya.. Dahil sa katandaan nagkaroon siya ng Alzemier’s disease. Bihira na siyang makapagsalita at hindi na niya matandaan kung sino ang mga tao sa paligid niya.
Pero ng bumisita ako sa kanya, wala akong narinig sa salita sa kanya, pero nababasa ko sa mata niya na ang gusto niyang sabihin..”Apo ko, miss na kita.... bakit ngayon ka lang?... Nakita ko ang luhang tumulo sa kanyang mga nangungusap na mga mata sa akin..alam ko, gusto niyang magsalita at igalaw ang kanyang mga kamay para yakapin ako...gusto niyang muling humiga ako sa kanyang mga hita at haplusin ako sa ulo gaya ng ginagawa niya sa akin noong bata pa ako...”
Hindi ko namalayan, nag umpisa na ring tumulo ang luha ko.. “Lola, sorry ha.. ngayon lang kita nadalaw...”.. Niyakap ko siya ng mahigpit at sa tibok ng kanyang puso, ramdam ko ang kasiyahan niya ng makita ako...
Alam ko kahit hindi niya ako narinig at naaala-ala, sa puso niya, nakikilala at alam niya na ako ang nasa harap niya...
Pagkalipas ng ilang araw, bago ako umalis ng Pilipinas, dumaan ako sa kanya at tila ang paghalik ko sa kamay niya para magpaalam ay nagsasabing “Apo, nasa iyo ang panalangin ko at bendisyon na gagagabayan ka ng Panginoon. Ito na marahil ang huli nating pagkikita, pero makakaasa ka na babantayan kita lagi”...
Iyon ang ibig niyang ipahiwatig sa akin at alam ko naman na anumang oras ay maari na niya kaming iwan dahil sa sobra-sobra na ang oras na inibigay ng Panginoon sa amin para pakapiling siya.
Sa edad na siyamnapu, ang dami na niyang ginawa para sa kanyang pamilya, dumami na ang angkan namin at halos hindi na niya maalala kung ilan ang apo niya at mga apo sa tuhod. Kaya alam ko sa pagpanaw niya kahapon, masaya siya dahil tumagal ang buhay niya kapiling ang kanyang pamilya...
Hindi ko man masilayan sa huling pagkakataon ang kanyang mga labi, alam ko, gaya ng dati, mauunawaan niya ang kalagayan ko...
She was such blessings to me. I wish every child could have love like that.
To Lola Sela....may you rest in peace!
1 comment:
hahay.. i missed my lola.
Post a Comment