Friday, September 14, 2007

Erap's Conviction



It was 3:00 in the morning here in Saudi Arabia and most OFW tuned in to ABS-CBN ANC Channel for the live coverage of ex-President Joseph Estrada’s verdict.

Likewise, the news was immediately broadcasted in CNN and BBC.

Halos lahat ng topic sa opisina ay ang verdict ni Erap ang pinag-uusapan. There were those who claimed that the verdict was too harsh for him. Ang hula nila, 10 years lang ang sentence. Yong ibang maka-Erap, hindi matanggap ang desisyon ng Sandiganbayan. Pero yong marami, tanggap ang hatol sa kanya.

My boss seems to be happy when he noticed that the former President is found guilty of Plunder charge. Actually, noon pa lang, ang dami na niyang sinabi sa akin about how the justice system will be criticized once the verdict is out.

Pag na-acquit daw si Erap, napaka tanga na daw ng mga Pilipino at pumayag na nakwan sila ng kanilang pinuno. I couldn’t blame him for such comment kasi alam niya ang nangyayari sa Pilipinas simula pa noong panahon ni Marcos. He has a soft spot sa mga Pilipino at huhahanga siya sa kakayanan nito. Pero ang sobra daw na soft-hearted natin ang nakakasira ng image natin sa ibang bansa.

Hindi rin niya maintindihan na kung bakit yong mga nagpatalsik sa kanya before, eh siya namang nasa front-liners ngayon para i-acquit siya.. He dislikes Legarda, Guingona, Villar, Pimentel, Angara at Lim, pero hanga naman siya kay Lacson dahil talagang pinanindigan ang pagiging loyal kay Estrada.

He was happy when Marcos was exiled in Hawaii. Noon pa man, naging malapit na siya sa mga Pilipino kaya alam niya ang nangyayari sa ating bansa. When Cory was in power, noong una tanggap niya that Filipinos will have the chance to be great again.. Kaso he was disappointed sa naging sobrang democratic ng bansa natin. “Moderation is good, but too much is poison”, aniya. Dahil daw sa sobrang democratic ng bansa natin, inabuso naman ng iba. Sa bawat galaw at desisyon ng Presidente, tama man o mali, mayroong kokontra. Magalit man daw ako kung sabihin niya na gahaman ang Crab mentality sa mga Pilipino, pero yon daw ang totoo.

Noong si President Ramos daw ang pumalit, hanga daw siya sa palakad nito. He even invested sa atin noong panahon na iyon. He commended Ramos way of being non-vindictive sa kanyang mga critics at kaaway. Kahit daw anong batikos sa kanya, open arms pa rin daw si Ramos na kausapin sila.

When Joseph Estrada was elected, nalugi ang negosyo niya which prompted him to withdraw all his investments.

He praised the Filipino people for the EDSA 1 Revolution, pero ayaw niya sa mga succeeding EDSA revolts. He asked me.. Bakit daw ang mga Pilipino pag hindi nasunod ang gusto, iiyak sa EDSA na parang bata.. Ang mga leaders daw, pag hindi mapagbigyan, sasama ang loob at kakalabanin ang namumuno.. ang mga leftists daw, panay ang akusa sa pamahalaan, pero no. 1 naman silang human rights violators…Marami daw mahilig pumapel .. Pag hindi daw mapagbigyan daaanin sa rally..

Halos, manlumo ako sa sinabi niya, but truth really hurts…kahit magalit man ako sa kanya, hindi puwede kasi iyon ang totoo.

He even asked me to tell every Filipino… “Think not what the government can do to you, but think of what you can do to your country”.. Huwag daw umasa ang bawat Pilipino sa Pangulo, but think of how the Filipinos can help their leaders.

Now that Pres. Estrada is convicted, sana daw tanggapin na ng lahat dahil obvious naman daw ang ginawa ni Estrada at huwag na daw tayong mga Pilipino magbubulag-bulagan.

This will set as a precedent daw sa mga susunod na leaders. Sana daw ang susunod na kasuhan ng plunder ay si Pangulong Arroyo.

I asked him who is the best Administration person to rule our country… without any uncertainty, he said… GORDON!

2 comments:

chase / chubz said...

ha! buti sa kanya.

Anonymous said...

haaayyyy!! nyeta! lang kwenta mga yan! pati si arroyo. lang kwenta talaga!!! PUNYETA!!!!!!!